Iba’t ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Labor Day, inilatag ng DOLE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang iba’t ibang aktibidad sa paggunita ng “Labor Day 2023.”

Ayon sa DOLE, ang tema ng ika-121 taon ng Araw ng Paggawa sa bansa ay “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.”

Ayon sa Kagawaran, kabilang sa mga aktibidad ay “Kadiwa ng Pangulo Para sa mga Manggagawa” kung saan makakabili ng mga murang produkto ang mga manggagawa.

Habang mayroon ding pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng TUPAD Program, Special Program for Employment of Students o SPES, at Government Internship Program o GIP sa mga rehiyon; at nationwide simultaneous job fairs na idaraos sa iba’t ibang malls sa bansa.

Ang mga ito ay isasagawa sa Mayo 1, sa 16 na regional sites kung saan ang National Capital Region o NCR ang main event site.

Ayon sa DOLE, makakatuwang nila rito ang Department of Trade and Industry o DTI, Department of Agriculture, at iba pang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us