Matagumpay na naisagawa ang Combined Joint Littoral Live Fire exercise ng mga Tropa ng Armed Forces of the Philippines at US Military sa San Antonio, Zambales ngayong umaga.
Ang ehersisyo ang tampok na aktibidad sa Balikatan 38 – 2023 military exercise, ang pinakamalaking pagsasanay militar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa kasaysayan.
Dito’y ginamit ang iba’t ibang modernong gamit pandigma para ipamalas ang kakayahan ng dalawang pwersa na mag-“intercept” ng target sa karagatan.
Kabilang sa mga “assets” na ginamit sa ehersiyo ang MQ-9 reaper drone na ginamit sa pag-monitor ng ehersiyo mula sa himpapawid; ang F-35 lighting II, ang pinakabagong “5th generation Fighter” ng Estados Unidos; ang F-16 fighting falcon, isang “compact Multi-role Fighter”; AC-130U Gunship, isang eroplanong ginagamit sa close Air Support at Armed reconnaissance; at ang P8-A Poseidon, na eroplano ng US Navy para sa long-range Anti-submarine at Anti-surface warfare.
Itinampok din ang High Mobility Rocket System (HIMARS) at Guided Multple Rocket Launch System (GMLRS) at lightweight 155mm Howitzer para tamaan ang target sa karagatan mula sa kalupaan.
Sa panig ng AFP, ginamit naman ang FA-50PH golden Eagle Fighter, at A-29 Super Tucano. | ulat ni Leo Sarne
?: PH-US BALIKTAN 38-23