Ilan pang katawan ng mga pasahero ng M/V Lady Mary Joy 3, narekober ng PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sunod-sunod ang pagkakarekober ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Isabela at PCG Basilan sa iba pang mga pasahero na nawawala mula sa nasunog na M/V Lady Mary Joy 3.

Nakilala ang katawan ni Anacleto Ponollero, Jr., residente ng Sta. Catalina, Zamboanga City, na narekober kahapon sa bahagi ng Sicagot Island sa Basilan.

Habang ngayong umaga naman, narekober at nakilala ang katawan ni Jack Bungso ng Maimbung, Sulu na palutang-lutang sa karagatan ng Lapinigan Island at Baluk-Baluk Island, Basilan.

Kasabay din nito, narekober ng PCG Isabela ang katawan ng isang miyembro ng Philippine Army na kinilalang si SSG Cerbatos.

Agad na naiturn-over sa PDRRMO at SOCO ang mga katawan upang maitransport patungong Zamboanga at makuha na ng kani-kanilang pamilya. | ulat ni Eloiza Mohammad | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us