Umapela ang ilang advocate groups sa Kongreso at sa Dangerous Drugs Board na bisitahin ang mga probisyon ng dangerous drugs act of 2002.
Sa isang forum, sinabi ni Chuck Manansala, Presidente ng Masikhay Research na masyadong nakatutok ang batas sa parusa o pagturing sa cannabis bilang dangerous drugs.
Ito’y sa halip na isaalang-alang medical component nito.
Malinaw rin aniya sa batas na maaaring magtayo ng laboratory sa bansa, gayundin ng pag-cultivate at paggawa ng gamot mula sa cannabis.
Nanawagan naman sa publiko si Chief Executive Officer Dr. Richard Nixon Gomez ng Bauertek Corporation na handa na ang Pinoy sa pag-develop ng cannabis medicine kung bibigyan lang ng pagkakataon ng pamahalaan.
Dapat aniyang tumulong ang publiko sa pagpapaliwanag sa mga mambabatas at taong gobyerno na hindi addiction kundi pagliligtas ng buhay ang tunay na pakay ng mga cannabis legislative bill. | ulat ni Michael Rogas