Ilang byahe papuntang probinsya mula sa PITX fullybooked na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Fully booked na ang ilang biyahe papunta sa mga probinsya mula sa Parañaque Integrated Terminal Echange (PITX) ngayong Miyerkules Santo.

Kabilang na dito ang aircon na bus papuntang Bicol, Samar, at Leyte.

Gayunman, maari pa ring sumubok na makasakay sa iba pang kumpanya ng bus.

Sa Jam Liner fully booked na ang biyahe nila papuntang Lucena kaya’t wala nang tao sa ticketing booth pero sa ibang bus company na papuntang Lucena ay may konting bakante.

Yung ibang pasahero nagbabakasali sa cutting trip o sasakay ng kahit anong bus papunta malapit sa kanilang destinasyon at muli na lang sasakay ng iba pang bus para makarating sa kanilang pupuntahan.

Sinabi ng kahera sa ticketing booth na hindi nila nirerekomenda ang ganitong pagbiyahe dahil hindi tiyak at mahihirapang magpalipat-lipat ang pasahero lalo na ang maraming dalang bagahe. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us