Ilang employer binigyan ng Show Cause Order ng SSS dahil sa hindi pag-remit ng kontribusyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 12 employer mula sa Mandaluyong City ang inisyuhan ng show cause order ng Social Security System (SSS), dahil sa hindi pag-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa SSS.

Ginawa ito ng SSS sa ilalim ng Run After Contribution Evaders (RACE) operation sa nasabing lungsod.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, mahigit Php57 milyong halaga ang hindi nabayarang kontribusyon kasama ang penalty .

Binigyan lamang ng 15 araw ang employers para makipag-ugnayan sa SSS New Panaderos Branch, at ipaliwanag kung bakit hindi dapat gumawa ng anumang legal na aksyon ang ahensya laban sa kanila.

Sa ilalim ng SSS Law, papatawan ng multa na Php5,000 hanggang Php20,000 ang mga employer na hindi nakapagrehistro ng kanilang mga empleyado o hindi nagbawas, at nag-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Maaari din silang makukulong mula anim na taon at isang araw hanggang 12 taon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us