Mas bumaba pa ang presyo ng ilang gulay sa Kadiwa market sa Parañaque.
Kabilang sa gumalaw ang presyo ng kamatis na ₱20 na lang ang kada kilo, repolyo ₱40, pipino ₱40, sayote ₱35, at marami pang iba.
Ayon kay Paz Lagadeo ng Cada farmers Cooperative, marami ang supply ng gulay kayat bumaba ang presyo nito.
Samantala, kabilang sa bukas na Kadiwa ngayong araw sa Parañaque ang sa Barangay Moonwalk, Bricktown Subdivision, Phimra, Raya Garden Condominium, Barangay Merville, at Petron San Antonio, Parañaque City. | ulat ni Don King Zarate