Ilang sektor sa pamahalaan, di saklaw ng Nat’l Gov’t Rightsizing Program — PCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Malacañang na may sektor ng mga empleyado sa gobyerno ang exempted sa Rightsizing Program ng pamahalaan.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na labas sa National Government Rightsizing Program ang teaching at teaching-related positions sa mga eskwelahan, medical allied-medical items sa mga ospital, ganundin ang military at uniformed personnel.

Exempted din sa rightsizing ang government-owned and controlled corporation (GOCC) at government financial institutions na nasa ilalim ng Governance Commission for GOCCs.

Sa kabilang dako’y maaaring ipatupad ang Rightsizing sa lehislatura, Office of the Ombudsman, constitutional commissions, at LGU.

Maaaring magpatupad ang nabanggit na ahensiya ng pamahalaan ng rightsizing gamit ang prinsipyo at guidelines ng National Government Rightsizing Program.

Kahapon ay pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang cluster meeting na dinaluhan ng ilang taga-DBM (Department of Budget and Management) at Presidential Adviser Legislative Affairs at Presidential Legislative Liaison Office na kung saan, naging sentro ng pag-uusap ang tungkol sa rightsizing. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us