Hahayaan na lamang ng Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado kaugnay ng pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, trabaho ng mga senador na magsagawa ng mga pagdinig in aid of legislation o paggawa ng panukalang batas.
Anumang resulta ng Senate inquiry ay maaaring makatulong din daw sa kanilang ginagawang preliminary investigation.
Sa ngayon, hindi pa alam ni Remulla kung dadalo sila sa imbestigasyon ng Senado dahil wala pa naman daw imbitasyon siyang natatanggap.
Tiwala din siya na hindi makakaapekto sa preliminary investigation ng DOJ ang gagawing pagsisiyasat ng mga mambabatas, lalo na sa pagtukoy sa tunay na salarin. | ulat ni Michael Rogas