Imbestigasyon ng Senado sa pagkamatay ni Gov. Degamo, tiyaking makatutulong sa paggawa ng batas — Rep. Teves

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. na mauuwi sa pagbuo ng makabuluhang panukala o batas ang ikinasang imbestigasyon ng Senado sa pagkamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon sa mambabatas, sana ay totoong Inquiry in Aid of Legislation ang gawin ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso at “hindi in aid of  ‘prosecution’ o in aid of ‘epalisation’.”

“Kung pinsalita nila ako sa Senado, makatutulong pa ako sa gagawin nilang batas, because it was an investigation in aid of legislation.  Sana totoong ganun, hindi in aid of prosecution or in aid of epalisation… dapat ang mga bagay na itatanong ay magreresulta sa paggawa ng batas at hindi sa pagtuturo, pagpapahiya o pagsira sa pangalan ng isang tao,” diin ni Teves.

Dapat ay haharap sana si Teves sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs via video conference ngunit kalaunan ay hindi na pinahintulutan ng kapulungan dahil kailangan nilang physically present ang kongresista o kaya’y nasa  konsulado o embahada ng Pilipinas.

Iniuugnay si Teves bilang utak sa pagpatay kay Governor Degamo.

Kaya naman tanong nito, saan pa ba siya lalapit o hihingi ng tulong ngayong nauna na siyang nahusgahan.

Aniya bakit kasi inuna ang pagtuturo sa kaniya, kaysa ang pagsasagawa ng imbestigasyon.

“Bakit si Arnie kaagad ang itinuro? Nasa labas pa ako ng bansa nun. Sabay ako kaagad ang itinuro… Dapat una tayong mag-imbestiga, bago manghusga… Saan ako tatakbo? Saan ako hihingi ng tulong? Biktima ako ng sistema ng paghuhusga bago ang imbestigasyon,” anang mambabatas.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us