Imbestigasyon sa umano’y drug cover-up sa PNP, pinabibilis pero masinsinan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatitiyak ni House Speaker Martin Romualdez na magiging mabilis ang imbestigasyong ikakasa hinggil sa napaulat na ₱6.7-billion drug cover-up ng ilan sa miyembro ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG).

Pero dapat din aniya na masiguro na malaliman at masinsinan ang gagawing pagsisiyasat upang matukoy ang katotohanan sa isyu.

Kung sinoman aniyang opisyal na mapatunayan na sangkot sa tangkang pagtatakip ay hindi dapat kunsintihin at dapat ay panagutin.

“The investigation into these allegations must be swift and thorough. Let the ax fall where it must because police involvement in this alleged cover-up, especially anti-drug operatives, cannot and should not be tolerated,” saad ni Romualdez.

Sa ngayon kapwa kumikilos na rin ang Kamara at Senado para sa Congressional probe hinggil sa insidente ng pagkakahuli ng 990 kilos ng shabu kung saan sangkot si dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.

Umaasa naman si Romualdez na maglalabas na ng opisyal na pahayag si PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr hinggil sa usapin upang hindi mauwi sa haka-haka ang pananaw at pagtingin sa isyu.

“It would also be ideal to hear the statement of PNP Chief Gen. [Rodolfo] Azurin [Jr.] on the matter. Let us wait for official announcements before jumping to conclusions,” dagdag ng House leader.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us