Kasabay ng pagsisimula ng summer travel season, pinaalalahanan ng isang party-list solon ang Bureau of Immigration (BI) at Office of Transportation Security (OTS) na tiyakin ang seguridad ng mga pasahero.
Ayon kay BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co, kailangan tiyakin ng BI at OTS na walang pasahero na maha-harass, mananakawan, at kikikilan.
Binalaan din nito ang mga awtoridad na hindi na dapat maulit ang isyu ng panghihingi ng yearbook sa mga pasahero na palabas ng bansa.
Ayon sa Appropriations Committee vice-chair, oras na simulan ang budget hearing ay tiyak an uungkatin aniya ito ng Kamara.
“As the summer travel season now goes into full swing, I remind the Bureau of Immigration and the Office of Transportation Security to make sure inbound and outbound travelers are never harassed, robbed, or extorted as they embark on their travels. No school yearbooks are needed. The yearbook episode was a sorry misfire that backfired on the interrogator. We are not sorry for him. Come budget hearings time, we will remember to ask the Bureau of Immigration about the yearbook episode and other incidents in recent times,” ani Co.
Dagdag pa ng mambabatas, dapat tiyakin ng Department of Transportation at mga airline na may sapat silang tauhan na naka-duty para asistehan ang bugso ng mga biyahero. | ulat ni Kathleen Jean Forbes