Implimentasyon ng Rainwater Collection Law, pinasisiyasat sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaiimbestigahan ni Makati City Representative Luis Campos Jr. ang hindi maayos na pagpapatupad sa RA 6716 o  Rainwater Collection and Springs Development Law.

Sa kaniyang House Resolution 906, hinihimok ang House Committees on Public Works and Highways at Ecology na magdaos ng inquiry in aid of legislation kung bakit bigong maipatupad ang batas.

Mahalaga aniya na kagyat itong masolusyunan at maipatupad upang matiyak na may sapat pa rin tubig sa mga bayan oras na tumama ang El Niño.

Katunayan ang rain water harvesting ay dapat na maging bahagi aniya ng national water security roadmap ng bansa lalo at madalas naman ulanin ang Pilipinas.

“We want Congress to get to the bottom of the problem so that we can take remedial action, considering that stockpiling rainwater offers a practical way for communities to augment (water) supplies during the dry season, while mitigating potential flooding during the wet season,” pahayag ni Campos.

Umaasa naman ang kinatawan na bibigyang prayoridad ng bagong tatag na Water Resource Management Office (WRMO) ang pagtatayo ng mga rain water collection sa buong bansa.

Sa ilalim ng RA 6716, inaatasan ang bawat barangay na magkaroon ng rain water collection upang makabawas sa banta ng pagbabaha at magamit naman ang tubig sa panahon ng tag-tuyot.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us