Inflation sa bansa nitong Marso, bumagal sa 7.6% — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumagal pa ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Marso.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 7.6% ang inflation mula sa 8.6% ang inflation nitong nakaraang buwan.

Pasok ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 7.4 hanggang 8.2%.

Katumbas rin ito ng average inflation mula Enero hanggang Marso na 8.3%.

Paliwanag ng PSA, bunsod ito ng mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages kabilang ang sibuyas, manok, at asukal na pula.

Nakaambag rin sa pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na inflation sa diesel at gasolina pati na ang pagbabang presyo ng LPG.

Pagdating sa National Capital Region, ay bumaba rin sa 7.8% ang headline inflation nitong Marso mula sa 8.7% noong Pebrero dahil sa mas mabagal na galaw ng presyo ng sibuyas, manok, at isda. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us