Interbensyon ni PBBM, malaking tulong sa desisyon ng EU na patuloy na kilalanin ang sertipiko ng Pinoy seafarers — TUCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang halaga ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang desisyon ng European Commission na patuloy na kilalanin ang Philippine seafarers certificates.

Ito’y matapos i-recognize ng EC ang aksyon ng administrasyong Marcos ukol sa anim na nakitang deficiencies sa training at competence ng Pinoy seafarers.

Naniniwala ang TUCP na mahalaga ang ginawang interbensyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ship owners sa Brussels, Belgium kung saan nakita ng mga ito ang sinseridad ng punong ehekutibo na paghusayin ang training standard ng Pinoy seafarers.

Dahil anila sa ginawang pakikipag-usap ng pangulo sa European ship owners, naisalba ang 50 libong Pinoy seaman na nanganganib na mawalan ng trabaho.

Ayon kay House Deputy Speaker at TUCP President Democrito Mendoza, kaisa ang TUCP sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno upang maiwasan na maapektuhan ang seafaring industry dahil sa kabiguan na makasunod sa International Maritime Organization’s (IMO) International Convention on Standards of Training, Certification, and Watchkeeping for Seafarers (STCW) . | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us