Isang SUV, naaksidente sa Magallanes, Makati ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang sports utility vehicle ang tumaob sa Magallanes flyover ngayong umaga.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Metro Base Pasado alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente kung saan tinampukan ito ng isang Ford Eco Sport at isang kotse.

Agad namang rumesponde ang emergency response unit ng MMDA upang saklolohan ang nasugatang driver ng SUV. Nagtamo ito ng minor injury gayundin ang isang pasahero nito.

Ayon sa mga saksi ay biglang kumabig ang naturang sasakyan sa kaliwa at hinihinalang nakatulog ang nagmamaneho nito.

Samantala umabot na sa MRT Ayala station ang haba ng trapiko. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us