Isyu ng korapsyon sa paghahain ng Estate Tax Amnesty, dapat munang solusyunan bago palawigin ang batas tungkol dito — Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa panukala na palawigin ang Estate Tax Amnesty period.

Gayunpaman, binigyang diin ni Gatchalian na kailangan munang tugunan ang isyu ng korapsyon sa mga tax collecting agencies ng bansa.

Ibinahagi ng senador na marami kasing nagrereklamo na pinapahirapan silang mag-apply ng Estate Tax Amnesty at ang ilan ay hinihingan ng mga dokumento na wala naman sa ilalim ng batas.

Marami rin aniyang lumalapit sa mga fixer kaya nais ng mambabatas na maimbestigahan muna ang corruption issues at ang mga alegasyon na pinapahirapan ang mga aplikante.

Kaugnay nito, plano ni Gatchalian na magsagawa ng Senate Inquiry tungkol sa mga corrupt activities na nagaganap sa paghahain ng tax amnesty. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us