Tutol ang KABATAAN party-list sa planong pagpapataw ng training fee sa Mandatory ROTC.
Ayon sa KABATAAN, dagdag pagod, gastos at pang-aabuso na sa mga kabataan ang paniningil pa ng training fee para sa ROTC na sinabayan din ang petisyon para sa taas matrikula.
Batay sa section 19 ng panukalang Mandatory ROTC sa Senado, sisingil ng training fee na katumbas ng kalahati ng halaga ng tuition rate kada unit para sa ROTC.
Mananatili naman itong libre sa mga mag-aaral na pasok sa Free Tuition Law.
Kinalampag din nito ang CHED na imbes na suportahan ang paniningil ng training fee ay paghusayin na lamang ang Free Tuition Law upang mas maraming mag-aaral ang makinabang.
Nanawagan din ang grupo na huwag pagbigyan ang petisyon para itaas ang tuition fee at iba pang school fee. | ulat ni Kathleen Jean Forbes