Malaki ang magigigng kapakinabangan ng Pilipinas sa Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) para sa pagpapaigting ng Territorial Security and Protection ng bansa.
Sa Saturday News Forum sinabi Dela Salle University Professor for Diplomatic and International Realtions Renato Cruz De Castro na mahalaga ang isanasagawang pagpapatayo ng edca sites sa bansa dahil sa pagalalay ng Estados Unidos na mai-shift ang focus ng Armed Forces of the Philippines mula sa internal security defense sa territorial security defense dahil sa tagal ng panahon ng pagsugpo sa insurgency sa bansa.
Dagdag pa ni De Castro na malaki ang maitutulong ng EDCA sa capability skills ng ating hukbo upang magamit ang mga naturang mga kaalaman sa sa hinaharap. | ulat ni AJ Ignacio