Kapakanan ng MUP, dapat unahin sa kabila ng tumataas na pension cost — Mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inudyukan ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ang pamahalaan na tumupad sa pangako nito sa military and uniformed personnel na unahin ang kanilang kapakanan.

Sa gitna na rin ito ng usapin sa pagsasaayos o restructuring sa pensyon ng mga MUP.

Aniya, dapat ay ituloy na lang ang kasalukuyang sistema ng pensyon para sa mga MUP.

At sakaling itulak pa rin ang pagbabago sa pension system, dapat ay hayaan ang mga retirado at aktibong MUP na manatili sa kasalukuyang sistema at sa mga bagong pasok na lamang ipatupad ang pagbabago.

“It’s illegal, immoral, and cowardly for the government to alter the terms of the agreement after they gave their service to, and bled for, the country. Parang na-estafa sila niyan pag gawin ‘yan ng gobyerno. Mali talaga,” ani Alvarez.

Ayon sa dating House Speaker, hindi dapat talikuran ng pamahalaan ang pangako nito sa mga sundalo na inalay at ibinuwis ang kanilang buhay para protektahan ang kalayaan at seguridad ng bansa.

Katunayan noon aniyang kanIyang termino bilang House leader ay ipinasa ng Kongreso ang Joint Resolution para sa pagtataas ng sweldo ng mga MUP.

Batay sa panukala ng Department of Finance, aalisin ang automatic indexation sa pensyon ng MUP at posible ring magpatupad ng pagbabayad ng contribution para sa mga aktibo at papasok pa lamang sa serbisyo.

“The DOF should find a solution that honors our sacred contract with our soldiers. How about getting rid of parasites in the government who don’t even know how to say a simple thank you to our servicemen and women?” diin ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us