Muling hinikayat ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang publiko na maging maingat ngayong nakitaan na naman ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Apela ng Quezon City Epidemiology and Disease Surviellance Unit(CESU) na kailangang sumunod ang lahat sa minimum health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask para sa kaligtaaan ng bawat isa.
Batay sa huling tala ng CESU, umakyat na naman sa 319 ang kumpirmadong active cases ng COVID-19 sa lungsod.
Tumaas ito mula sa 164 active cases noong Abril 13 ngayong taon.
Mula sa 294,916 kabuuang confirmed cases noong Abril 13 ay umabot na ngayon sa 295,229 ang naitala hanggang Abril 21.
Paalala pa ng CESU sa sinumang nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19, maaaring mag-self-report o mag-register sa Community Based Testing para sa antigen test. | ulat ni Rey Ferer