Tumaas ng 94% ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Marso 18 ng taong ito.
Sa datos ng Department of Health, sa unang tatlong buwan ng 2023 ay nakapagtala ng 27,670 kaso ng dengue na mas mataas sa 14,278 sa kaparehong panahon ng 2022.
Mula naman sa 100 nasawi noong nakaraang taon, bumaba sa 92 ang bilang ng nasawi.
Sa monitoring ng DOH, tumaas ang kaso ng dengue sa halos lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Bicol region at Central Visayas.
Paalala ni Health OIC Maria Rosario Vergeire, wala nang pinipiling panahon ang dengue ngayon.
Kaya payo ng opisyal, palaging maglinis ng bakuran lalo ang mga imbakan ng tubig. | ulat ni Lorenz Tanjoco