Ibinibenta ngayon sa Merkado Kidapawan o Agri-Trade Fair sa Kidapawan City, Cotabato ang quality rice o tinatawag na Kidapawan Luntian Rice sa halagang P20 per kilo.
Mula sa P25 bawat kilo, pinababa ito sa mas murang halaga sa layong matulungan ang local farmers na magkaroon ng paniguradong kita.
Ayon kay City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista, isa ito sa flagship programs ng City Government of Kidapawan kung saan sa pamamagitan ng Palay Buy-Back Program, mas nabibigyan ng prayoridad ang mga lokal na magsasaka para sila ay kumita.
Nagbibigay-daan ito upang maibenta sa Merkado Kidapawan ang quality rice o tinatawag na Kidapawan Luntian Rice sa mas mababang halaga bawat kilo sa tulong na rin ng iba pang inisyatiba para sa kapakanan ng mga farmers tulad ng Agricultural Trading Post na itinatag naman ng kasalukuyang administrasyon.
Umaasa naman si Mayor Evangelista na makikinabang ng husto ang mga mamimili mula sa lungsod sa murang halaga ng de kalidad na bigas kung saan maaari silang bumili ng hanggang 5 kilo bawat tao/mamimili. | ulat ni Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao