Lady Solon, nais ipa-recall si Chinese Ambassador Huang Xilian kasunod ng naging pahayag nito sa bansa kaugnay ng isyu sa Taiwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Malacañang na manawagan sa China na palitan na ang kanilang kinatawan dito sa Pilipinas na si Chinese Ambassador Huang Xilian.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni Huang na kung may pakialam ang Pilipinas sa 150,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan ay dapat hindi payagan ng ating bansa na magkaroon ng free pass ang Estados Unidos malapit sa Taiwan strait.

Giit ni Hontiveros, hindi dapat na maging diplomat si Huang kung hindi nito kayang makipag-ugnayan sa atin sa isang magalang at marangal na paraan.

Pinunto ng senadora na bagamat nirerespeto ng Pilipinas ang karapatan ng mga residente ng Taiwan para sa self-determination ay hindi naman makikialam ang Pilipinas sa isyu ng kanilang kalayaan.

Kung mayroon aniyang isyu ang China sa US ay hindi dapat nitong idamay ang ating bansa sa kanilang gulo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us