Lalaki, patay sa pamamaril sa ungsod ng Makati

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa J. Victor St. sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City kagabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Boyet Cayetano na may ice business.

Ayon sa panganay na kapatid nitong si Desiree Cayetano, nagising na lamang sila nang makarinig ng mga putok ng baril.

Pagbaba ng bahay, nakita na lamang nilang nakahandusay si Boyet sa loob ng kanyang sasakyan kung saan siya nagpapahinga at may dalawang tama ng bala sa mukha.

Aniya, isinugod si Boyet sa Makati Medical Center subalit tuluyang binawian ng buhay habang ginagamot.

Dagdag ni Desiree, wala siyang kilalang nakaaway ng kapatid subalit dati na siyang tinangkang patayin noong 2020 subalit hindi pumutok ang baril na itinutok sa kanya.

Bago ang pamamaril, ilang saksi ang nakakita sa isang lalaki na bumaba sa motor at lumapit sa biktima.

Nang mapatay si Boyet, nagpaputok pa ng baril ang gunman at saka tumakas sakay ng motor.

Inaalam pa ng Makati City Police ang pagkakakilanlan ng salarin at ang motibo sa likod ng pagpaslang. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us