LBP, mag-aalok ng nasa P5-B credit program para sa tourism development ng bawat lokal na pamahalaan sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang magpahiram ang state owned bank na Land Bank of the Philippines ng P5-B pautang sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa na nais palakasin ang tourism development ng kani-kanilang bayan.

Ayon kay LBP president and CEO Cecilia Borromeo, layon ng naturang credit program na mabigyan ng karagdagang pondo ang bawat lokal na pamahalaan na nais palakasin ang mga programang pang-turismo sa kanilang lugar.

Dagdag pa ni Borromeo na makakahiram ang bawat local government units (LGUs) ng 100% ng kanilang total project cost sa Land Bank upang maumpisahan na ang kanilang mga proyekto sa turismo kabilang ang tourist transport terminals sa bawat bayan.

Maaaring bayaran ng bawat lokal na pamahalaan na maaprubahan sa naturang credit program sa loob ng 7 hangang 15 taon at nakadepende ito sa magiging projected cash flow ng bawat LGUs. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us