Inlipat na ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang bagong flight embarkment ng limang international airline companies sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Kinabibilangan ito ng mga airline ng Jetstar Asia, Jetstar Japan, Scoot Airline, Starlux Airlines, at China Southern Airlines.
Ayon sa MIAA, ito ay upang ma-maximize ang kapasidad ng NAIA terminals sa ilalim ng Schedule and Terminal Assignment Rationalization (STAR) program.
Kaugnay nito, sa darating na July 1 ay ilalagay na sa terminal 2 ang lahat ng domestic flights ng Philippine Airlines, Air Asia, at Royal Air katuwang ang Manila Domestic Airport o NAIA terminal 4. | ulat ni AJ Ignacio