“Little Baguio” ng Iloilo, pinasyalan ng mahigit 10-K bisita ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa mainit na panahon, patok na pasyalan sa Iloilo ang Bucari sa Bayan ng Leon, na tinaguriang, “Little Baguio” ng Iloilo.

Ayon kay Ms. Ma. Annaliza Camago, tourism officer ng Leon, nakapagtala ng mahigit 10,000 day-visitor ang Bucari Pine Forest sa Mahal na Araw.

Kinumpirma ni Camago na mas mataas pa ito kaysa sa pre-pandemic tourist arrival ng Bucari na nasa 7,000 lamang sa parehong period noong 2019.

Pinakamataas dito ay naitala sa araw ng Biyernes kung saan nasa 5,000 bisita ang umakyat ng Bucari.

Way of the Cross at camping kasama ang pamilya ang ilan lamang sa patok na aktibidad sa Bucari.

Mayroon ding sariwang gulay at prutas sa lugar na maaaring bilhin ng mga namamasyal.

Inaasahan na rin ng bayan ang patuloy na pagdagsa ng turista sa lugar hanggang sa buwan ng Mayo ngayong taon. | ulat ni Hope Torrechante | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us