Lokal na pamahalaan ng Pagadian, namahagi ng rescue vehicles sa 9 na barangay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap kamakailan ng mga bagong rescue vehicle ang 9 na barangay sa Pagadian, Zamboanga del Sur mula sa lokal na pamahalaan.

Ginanap ang distribusyon ng nasabing mga rescue vehicles sa City Hall ground ng Pagadian kung saan pinangunahan ito mismo ng alkalde ng lungsod na si Mayor Sammy Co.

Ayon sa mensahe ng alkalde, malaki ang maitutulong ng mga sasakyang ito lalo na sa ngalan ng emergency at disaster response sa mga residente.

Ang 9 na barangay na nakatanggap ng mga sasakyan ay ang Barangay Lapedian, Poloyagan, Dao, La Suerte, Santiago, Lower Sibatang, Balintawak, Bomba at Lumad.

Kasama ni Mayor Co ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan habang isinasagawa ang distribusyon ng mga rescue vehicles sa mga benepisyaryong barangay. | ulat ni Bless Eboyan | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us