Nasa 83% nang tapos ang phase 1ang LRT-1 Cavite Extension Project na magdurugtong mula sa Lungsod Quezon hanggang sa lalawigan ng Cavite.
Ayon kay LRMC President and CEO Juan F. Alfonso, natapos na ang track works at Overhead Catenary Sytem o ang linya ng kuryente na magsusuplaysa bawat bagon ng tren mula sa unang limang stations ng phase 1.
Kaunay nito, karamihan sa mga istasyon ng phase 1 ay nasa mahigit 50% na ang estado ng konstruksyon.
Dagdag pa ni Alfonso, inaasahan na matatapos ang Phase 1 ng Cavite Extension Project ng LRT sa 4th quarter ng taon.
Samantala, pinabibilis na ang konstruksyon nito upang magamit na ng mamayang Pilipino sa sususnod na taon. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
?: LRMC