LTFRB, handang makipagdayalogo sa transport group hinggil sa pagbubukas ng TNVS slots

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inimbitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isang dayalogo ang transport group na Laban TNVS upang maihain ang kanilang mga hinaing hinggil sa pagbubukas ng karagdagang TNVS slots.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, bukas ang tanggapan nito na pakinggan at mapag-usapan ang concern ng Laban TNVS at iba pang transport group na tutol sa binuksang 10,300 TNVS slots.

Aniya, naniniwala siyang sa pamamagitan ng isang sinserong pag-uusap ay mareresolba naman ang isyu.

Matatandaang nagpahayag ng pagtutol ang Laban TNVS sa desisyon ng LTFRB na magbukas ng TNVS slots sa Metro Manila.

Para sa grupo, mas dapat na irekonsidera ng LTFRB ang mga pending TNVS applications ng higit 40,000 TNVS units mula pa noong pandemic. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us