Magsilbi para sa mahihirap at tiyakin ang hustisya, payo ni Speaker Romualdez sa mga bagong abogado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang higit tatlong libong Bar passers na maging mabuting mga abogado na maglilingkod sa bayan.

Bilang isa ring abogado at pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa), hinimok ng House leader ang mga bagong abogado na unahin ang kapakanan ng mga mahihirap at siguruhing makakamit ang hustisya.

Naniniwala rin ang Leyte solon sa kanilang kakayanan upang maghatid ng pagbabago sa judicial process ng Pilipinas.

“Be a catalyst for change and uphold the standards of public service excellence in the practice of our noble profession. They should contribute to the delivery of fair, impartial, and speedy justice,” saad ni Romualdez.

Mula sa 9,183 na kumuha ng 2022 Bar Exams, 3,992 ang pumasa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us