Maharlika Investment Fund bill, posibleng maaprubahan na sa Senado — Sen. Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa tantiya ni Senador Chiz Escudero, malaki ang tiyansa na maaprubahan na ng Mataas na Kapulungan ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) o ang Senate Bill 2020, bago muling mag-session break ang Kongreso sa Hunyo.

Ito ay bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo.

Ayon kay Escudero, hindi rin niya nakikitang mahihirapang makalusot sa bicameral conference committee ang Maharlika bill, dahil sumasang-ayon naman ang economic managers sa mga isinusulong ng senado na amyenda sa panukala.

Sinabi ng senador, na ibang iba na ang porma ng panukalang MIF mula sa bersyon ng Kamara at sa orihinal na bersyon na inihain ng ilang senador.

Isa aniya sa mga pangunahing improvements sa panukala ay ang pagpapahintulot sa Maharlika Investment Corporation (MIC), na mag-isyu ng bonds at ang mga probisyon na magdedetalye sa authorized at subscribed capital stocks na bubuuin.

Sa ngayon ay naipresinta at nakatakda nang pagdebatehan sa plenaryo ng senado ang panukalang maharlika investment fund. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us