Mahigit 500 PDLs, palalayain ng BuCor

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 532 People Deprived of Liberty (PDL) ang nakatakdang palayain ng Bureau of Correction sa huwebes, April 20 ,2023.

Ang naturang bilang ay mula sa iba’t ibang penal farm sa bansa, una rito ang 75 mula sa maximum security compound, 122 sa medium, habang 12 naman mula sa minimum security compound.

Dalawang PDL naman ang palalayain mula sa reception and diagnostic center (RDC) , 20 sa Leyte Regional Prison (LRP), 62 sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF).

Habang 16 sa Sablayan Prison Penal Farm (SPPF), 24 mula sa Iwahig Prison Penal Farm (IPPF), 40 sa Correction Institute for Women (CIW) habang,54 naman mula sa Davao Prison Penal Farm (DPPF).

Karamihan sa mga mapapalaya ng Bucor ay nakakumpleto ng kanilang sentensya sa bilangguan habang ang iba naman dito ay nabigyan ng parole ng pamahalaan dahil sa kanilang mabuting record sa loob ng bilangguan. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us