Mahigit P10-M halaga ng ilegal na droga, nasamsam sa isang linggong operasyon ng PDEG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Narekober ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) sa ilalim ng pamumuno ni Brig. Gen. Faro Antonio Olaguera ang P10.3-milyon halaga ng ilegal na droga sa isang linggong simultaneous anti-criminality law enforcement operations (SACLEO) mula April 18 hanggang 23.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bgen. Olaguera na naglunsad sila ng 25 law enforcement operations na binubuo ng 4 na buy-bust operation, 19 na pagsisilbi ng arrest warrants, at isang search warrant operation.

Dito’y naaresto ang 24 na suspek, nakumpiska ang isang baril, at narekober ang 56 gramo ng shabu at 50,000 pieces of marijuana plants na nagkakahalaga ng P10.3-milyon.

Ayon kay Olaguera, matapos ang kontrobersya na kinasangkutan ng PDEG, sinisikap nila na muling iangat ang kanilang integridad sa pamamagitan ng pagpapatupad ng transparency sa kanilang mga operasyon.

Si Olaguera na miyembro ng PNP Academy Class of 1989, ay dating naka-assign sa PNP Legal Service bago niya pinalitan si Brig. Gen. Narciso Domingo sa PDEG. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us