Mambabatas, isinusulong sa Kamara ang amyenda sa procurement law ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasa ng isang consultative meeting si Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. kasama ang mga opisyal ng DPWH Regional Offices patungkol sa itinutulak na amyenda sa RA 9184 o “Government Procurement Reform Act.”

Ayon sa mambabatas, nais nilang marinig ang panig ng DPWH kung ano ang maaaring gawin upang mapagbuti pa ang naturang batas at mapabilis ang procurement process ng bansa.

“The fast-paced change in modern times and the current trend in the procurement process require us to introduce adaptive and innovative systems, and processes for a more transparent, faster, and more efficient procurement system.” paliwanag ni Gonzales.

Sa kasalukuyan, tatlong panukala para sa pag-amyenda ng RA 9184 ang tinatalakay ng Kamara na pag-iisahin at tatawaging Bagong Pilipinas Procurement Act.

Bahagi ng probisyon ang pagtaas ng pre-bidding conference threshold sa P100 million mula sa dating P1 million at pababain sa 34 calendar days ang procurement process na ngayon ay nasa 72 days.

Umaasa naman si DPWH Undersecretary for Operations Antonio Molano na isasama sa binubuong panukala ang paggamit ng teknolohiya para sa evaluation at post-qualification stage ng procurement process. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us