Mambabatas na nagsusulong ng pagpapalawig sa Tax Amnesty, nadagdagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa pang mambabatas ang nagsusulong na mapalawig ang Estate Tax Amnesty.

Sa ilalim ng House Bill 7842, ipinapanukala ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na i-extend ang tax amnesty ng dalawang taon.

Nakatakdang magtapos ang amnesty period sa pagsasaayos ng pagbabayad ng taxes sa June 14, 2023.

Kung maisabatas, itatakda ang bagong deadline sa June 14, 2025.

Sa ilalim ng Tax Amensty Act, binibigyang pagkakataon ang mga indibidwal na mayroong hindi nabayarang estate tax na magbayad ng walang multa.

Umaasa si Lee na sa paraang ito ay maibsan ang pasanin ng publiko, na bumabangon pa rin sa epekto ng pandemiya at inflation.

“With the impact of the pandemic and the high inflation rate that we still face, it is incumbent upon the government to address and lessen the taxpayer’s current burden.” ani Lee

Isang kaparehong panukala ang una nang inihain ni Speaker Martin Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us