Mambabatas, pinatitiyak na mananatili ang mandato ng Landbank sa mga magsasaka, mangingisda sa kabila ng pagsasanib nito sa DBP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi tututulan ng minorya sa Kamara ang planong merger ng Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) basta’t makatitiyak na mapanatili ang mandato ng LBP na tulungan ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda.

Ayon kay House MinorityLeader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan dapat manatili na nakalaan para sa mga magsasaka at mangingisda ang 5% ng loan portfolio ng LBP.

“We must stress that Land Bank is duty bound to allocate at least 5 percent of its regular loan portfolio for socialized credit to agrarian reform beneficiaries, small farmers and fisherfolk. So long as this obligation to extend low-cost financing to farming and fishing communities is left unimpaired, we won’t get in the way of the proposed combination of the two banks,” saad ni Libanan.

Pagbibigay diin ng 4Ps Party-list Solon, mahalaga ang papel na gagampanan ng LBP sa mga probinsya kung saan maraming pribadong rural bank ang nagsara sa mga nakalipas na taon.

Inaasahan din ni Libanan na itutuloy ng LBP ang pagpapautang sa mga micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) lalo na ang mga nakabase sa probinsya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us