Mambabatas, tiniyak na mapopondohan ang modernisasyon ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni AKO-BICOL Partylist Rep. Zaldy Co ang pagpapalakas sa Armed Forces of the Philippines.

Sa kaniyang pagdalo sa HOR-AFP Fellowship Series (Visayas Leg) kasama si House Speaker Martin Romualdez, sinabi ng mambabatas na kaisa siya sa pangako ng House leader sa pagtutulak ng AFP Modernization ng Sandatahang Lakas.

Naniniwala din siya na kailangan ng AFP ng modernong kagamitan at pagsasanay upang masiguro ang kaligtasan at soberanya ng ating bansa.

Dagdag pa ni Co na bilang Chairman ng House Committee on Appropriations, titiyakin niyang mapaglalaanan ng sapat na pondo ang pangangailangan ng ating mga sundalo sa pagharap sa mga hamon ng ating bansa.

“Naniniwala tayo sa hangarin ni Speaker Romualdez na bigyan ng modernong kagamitan at pagsasanay ang AFP upang masiguro ang kaligtasan at soberanya ng ating bansa. Kailangan din natin ng mas malapit na ugnayan ng Kongreso at AFP upang mas maging epektibo ang ating paglilingkod sa bayan.” saad ni Co. | ulat ni Kathleen Jan Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us