‘Manhunt’ kina Bantag at Zulueta, inilunsad ng CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ng malawakang manhunt ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para mahuli si ex-Bureau of Corrections (BUCOR) Chief Gerald Bantag at Jail Officer Ricardo Soriano Zulueta.

Ayon kay CIDG Director Police BGen. Romeo Caramat, agad siyang nagpalabas ng mga tracker teams para maaresto ang dalawa matapos na ilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 266 ang arrest warrant para sa kasong murder nitong Abril 12.

Ang dalawa ang prime suspects sa pagpatay sa brodkaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa at testigong si Jun Villamor.

Ayon kay Caramat, tututukan ng trackers team ang planadong paghahanap at pagtugis sa mga akusado mula sa Metro Manila hanggang Mindanao.

Tiniyak ni Caramat na gagawin ng CIDG ang lahat para manaig ang hustisya alinsunod sa marching orders ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us