Upang mas maiparating sa publiko ang kahalagahan ng kalikasan at pakikiisa sa earthday ngayong araw nagsagawa ang Manila Water Company ng ‘Lakbay Kalikasan Hike and Bike for Nature’ ngayong araw.
Ayon kay Manila Water Advocacy Research Head Jen Delos Santos, layon ng naturang advocacy campaign na makiisa sa ipinagdiriwang ngayong araw na ‘Earth Day; at pagsusulong ng environment protection sa La Mesa Watershed.
Kaugnay nito na umabot sa mahigit 100 participants ang nakilahok sa naturang advocacy campaign ng Manila Water at inaasahang taon-taon nang idaraos ang naturang programa. | ulat ni AJ Ignacio