Manila Water, tiniyak ang 24/7 na suplay ng tubig ngayong Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Manila Water na mananatiling sapat ang suplay ng tubig para sa mga sinusuplayan nitong customer kahit ngayong mahal na araw.

Sa isang pahayag, sinabi ng water concessionaire na nakatulong ang mga inilatag nitong contingency at augmentation projects para masigurong hindi magkakaproblema sa suplay ng tubig ang nasa 7.4 milyong customer nito sa Metro Manila at Rizal.

Kabilang rito ang pagpapalawak sa operasyon ng Cardona Treatment Plan sa Rizal, ang paggamit ng auxiliary sources gaya ng Marikina River sa pamamagitan ng Marikina Water Portable Treatment Plant at ang Wawa-Calawis Water Supply System sa Antipolo.

Nagpapatupad rin ito ng backwash recovery program sa dalawang water treatment plants sa Balara, Quezon City.

Bukod dito, regular din aniya ang isinasagawa nitong maintenance at rehabilitasyon sa primary lines gayundin ang crackdown sa mga
illegal connection.

Patuloy namang isinusulong ng kumpanya sa publiko ang responsableng paggamit ng tubig. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us