Marikina LGU, tumanggap ng parangal mula sa DILG kasabay ng ika-393 taong anibersaryo ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na tinanggap ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang iginawad na parangal mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ito ay bilang pagtalima ng pamahalaang lungsod para sa Financial Transparency at Fiscal Accountability sa ilalim ng 2022 Good Financial Housekeeping.

Kaugnay nito, tumanggap ang Marikina LGU ng Php100,000 tseke mula sa DILG matapos tanghalin ito sa ikatlong puwesto mula sa 17 LGU sa Metro Manila, sa pagpapatupad ng Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program.

Kasabay nito, iginawad din ni DILG Marikina Director Mary Jane Nacario kay Mayor Teodoro ang Most Improved LGU award para sa taong 2022.

Nagpasalamat naman si Mayor Marcy sa pagkilalang kanilang natanggap, na aniya ay pinakamagandang regalo ngayong kanilang ipinagdiriwang ang ika-393 anibersaryo ng pagkakatatag ng Marikina, ngayong araw. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us