Target ng Pilipinas na magkasa ng mas malaki at mas malawak na Balikatan Exercises sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino matapos ang pormal na pagtatapos ng Balikatan ngayong taon sa Kampo Aguinaldo.
Ani Centino, dahil sa matagumpay na Balikatan ngayong taon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika gayundin sa kauna-unahang pagkakataon ang Australia, wala siyang nakikitang dahilan para hindi ito buksan sa iba pang mga bansa.
Aminado si Centino na nagkaroon lang ng hamon sa kanila ang paghahanap ng lugar na pagdarausan ng mga pagsasanay lalo’t kailangan din nilang isaalang-alang ang kapakanan ng mga residente
Gayunman, sinabi ni Centino na maliban sa pagsasanay militar, nagkaroon din ng humanitarian efforts ang dalawang bansa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na magkaroon pa rin ng kabuhayan sa gitna nito. | ulat ni Jaymark Dagala