Mekanismo na magpapalakas sa turismo, peace and order, pinatitiyak ni VP Sara Duterte sa local leaders

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Vice President Sara Duterte ang mga lokal na opisyal ng Roxas City, Capiz na palakasin ang mga sistema na may kaugnayan sa turismo at peace and order.

Sa kanyang talumpati sa 122nd founding anniversary at Maragtas Cultural Parade sa Capiz Provincial Capitol, binigyang-diin ni VP Sara na mahalaga sa LGUs ang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan at pagpapatuloy ng developments.

Dapat aniyang patatagin ang mga mekanismo na magpapaigting sa potensyal ng turismo pati na sa kapasidad ng mga sektor na magkakaroon ng kontribusyon sa paglago ng ekonomiya.

Sinabi rin ng pangalawang pangulo na iisa ang layunin na dapat ay inklusibo ang pag-unlad kaya kailangang maibigay ang pangangailangan ng vulnerable sectors.

Naniniwala naman si VP Sara na ang peace and order ang nagsisilbing “core building blocks” ng economic at environmental sustainability dahil nakasalalay sa seguridad ang kalayaan ng ekonomiya.  | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us