MERALCO, magpapatupad ng bawas singil sa kuryente ngayong Abril

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng mahigit Php11 bawas singil ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa MERALCO, bunsod ito ng pagbaba ng ipinapataw na generation charge nitong buwan ng Marso na dinagdagan pa ng ipinagpalibang pangongolekta ng generation cost, na katumbas ng Php0.20 sentimos kada kilowatt hour ngayong buwan.

Dahil dito, mababawasan ng Php24 ang monthly bill para sa isang household na kumokonsumo ng 200 kwh na kuryente para sa buwang ito.

Magugunitang pinakiusapan ng MERALCO ang mga supplier noong nakaraang buwan, na ipagpaliban muna ang paniningil sa ilang bahagi ng generation costs at utay-utay ang gawing pangongolekta para hindi masyadong maging mabigat sa mga customer.

Bukod dito, may bawas singil din sa transmission charge, taxes at subsidy habang nananatiling suspendido ang koleksyon para sa Feed-In Tariff Allowance (FIT-All) hanggang Agosto 2023 sa bisa ng resolusyon ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Samantala, pormal nang inendorso ng ERC sa Meralco noong ika-4 ng Abril ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng lifeline discount alinsunod sa Republic Act No. 11552 o inamyendahang Republic Act 9136 na mas kilala bilang EPIRA law. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us