Nakabalik na sa normal ang biyahe ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ngayong araw.
Ito’y matapos maperwisyo ang may daan-daang pasahero kasunod ng ginawang flight diversion matapos magdulot ng zero visibility ang malakas na ulan dulot ng Low Pressure Area o LPA na dating Bagyong Amang kahapon.
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority – Media Affairs Division, matiwasay na nakabalik na sa NAIA ang nasa 18 flights na na-divert sa Clark International Airport at Cebu International Airport.
Lima rito ay pawang International Flights habang nasa 13 ang Domestic Flights buhat sa tatlong major airlines sa bansa
Nabatid na mula 11:57 kagabi, nasa 17 flights ang nakalapag na sa NAIA habang may isang inaasahang darating na anumang oras ngayong araw.
Ayon sa MIAA, ang ilan sa mga diverted passenger mula sa Clark ay ibiniyahe ng bus pabalik ng Maynila matapos magpasaya ang mga ito na bumaba na sa eroplano at hindi na hinintay na makabiyahe muli ang sinakyan nilang eroplano. | ulat ni Jaymark Dagala