Sang-ayon ang mga jeepney driver sa Makati na tanggalin na ang Periodic Medical Examination.
Ang Periodic Medical Examination ay pagpapasa ng medical tuwing tatlong taon sa 5-year Drivers License Validity habang apat at pitong taon naman para sa may 10 years na drivers License.
Ayon sa mga jeepney driver sa Makati, maganda ang ginawa ng LTO dahil para sa kanila dagdag gastos lang ito at abala lalo na sa kanilang arawan kung magtrabaho.
Gayunman, ang suhestiyon nila ay i-medical at i-drug test ang mga driver na maraming record na nasangkot sa aksidente.
Una nang sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade na inalis ang Periodic Medical Examination dahil hindi napatunayan na nababawasan nito ang aksidente sa kalsasa at abala, dagdag gastos lang sa mga motorista. | ulat ni Don King Zarate