Mga malalaking negosyante sa agrikultura, tutulong sa mga maliliit na magsasaka — Private Advisory Council Joey Concepcion

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa harap ng pagsisikap ng Marcos administration na maiangat ang mga magsasaka sa bansa, inihayag ni Private Advisory Council Joey Concepcion na may inilatag na programa ukol sa Pinoy farmers upang maging maliit na entrepreneurs.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Concepcion na sa pamamagitan ng KALAP Program o Kapatid Angat Lahat Agri Program ay tutulong ang mga malalaking agri-traders sa mga maliliit na magsasaka.

Marami ani Concepcion sa malalaking negosyante sa agrikultura na nagpahayag ng pagtulong sa mga magsasaka ay nasa linya ng pagbibigas, niyog, cocoa, asukal, at iba pa.

Pati aniya mga bangko ay tutulong din sa pagpapautang sa mga maliliit na magsasaka sa ilalim ng KALAP program na inilunsad kamakailan kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Mistula aniya itong ‘big brother approach’ ayon kay Concepcion na isang malaking bagay para makatulong sa mga maliliit na Pilipinong magsasaka na sinisikap ng administrasyong Marcos na umangat at umunlad. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us