Mga ordinaryong Pilipino, kabilang sa makikinabang sa Balikatan exercises ng Pilipinas at Estados Unidos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makikinabang rin ang mga ordinaryong Pilipino sa nagaganap na Balikatan exercises sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas, na idinaraos sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa briefing ng Laging Handa, inihalimbawa ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar na pinalalakas kasi ng mga ganitong aktibidad ang kakayahan ng AFP.

Aniya, kung nagagampnan ng AFP ang kanilang misyon, mapuprotektahan rin ang resources ng bansa na dapat na tinatamasa ng mga Pilipino.

“Una, kapag nagagampanan ng armed forces ang kaniyang misyon, we can protect thee resources that are suppose to be enjoyed and benefitting our people.” — Col. Aguilar

Bukod dito, dahil aniya sa dami ng mga sundalo na magiging bahagi ng Balikatan exercises, maraming serbisyo ang maiaalok ng bansa.

Halimbawa sa linya ng transportasyon, pagkain, akomodasyon, at iba pa.

“Kasama na dito ang EDCA na magkakaroon tayo ng construction of facilities, ang allocated dito ng America is $82 million (US) dollar, which will now provide additional job opportunities for our people, and of course sa lahat ng ating economic activities that will happen later on.” — Col. Aguilar | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us